Hindi tayo YAKULT na everyday, OK!
Mabuti pa si Susie, may Geno... Hindi tayo YAKULT na everyday, OK! Sana unan na lang ako para yinayakap mo... Hugot sa bahay, eskwela, opisina... Hugot dito, hugot doon. Hugot sa umaga, hugot sa tanghali, hugot sa gabi, humuhugot pa rin hanggang hatinggabi. Walang katapusang hugot! Sa likod ng mga ngiti ng bawat masayahing Pinoy, hindi mo iisiping may tinatagong palang mga hugot na dala marahil ng lungkot, inggit, selos, pag-iisa, pangamba at takot. Madalas tinatawanan lang natin o dinadaan sa biro pero kung iisiping mabuti bawat titik sa mga hugot na ito- may kirot, may hapdi, may luha. Aminin man natin o hindi, TUMATAGOS sa puso. Ikaw, ano'ng hugot mo?